Web Dev Matters and Me

Web Development Matters - HTML, XML, C#, .NET, AJAX/Javascript(jQuery), CSS, XML-XSLT

ME - LIFE,Philippines, Tokyo, ECE, PhilNITS/JITSE,情報処理, 日本語

things about Philippines, gaming, C# development and web development, how to make money in stock trading

Web Dev Matters and Me

Food Trip : eating classy foods for less

Eto ulit. dami kasi nag request ng 2nd part. Anyway, sabi ko nga sa previous post ko, kahit mahal dito, pwede ka pa rin mag enjoy. Wag lang kayo maniwala dun sa mga website na nagsasabing, wag kayo gumastos at hayaan nyo lang yung mga kasama nyo na Japanese ang gumastos, bad yun. Wag masyado kuripot, just spend as much as you can and keep contact. You'll be glad you did. Sabi din to sakin ng Engineer na nakausap ko before I went here in Japan (after ko pumasa sa jouhoushori).




If medyo malakas ka kumain, marami ditong resto na merong "viking lunch". Siguro kaya Viking tawag nila kasi malalakas kumain yung Viking. "Tabehoudai" kung tawagin sa Japanese. Eat-all-you-can. The catch? You have to eat on certain amount of time, usually 1 hour. Pero meron ding mga place na walang limit, as in hiya mo na lang, hahaha. Minsan, meron pa kami nakita na pinoy, aba me dalang plastic bag at dun nilalagay yung mga food. Sana po wag natin gayahin ito, kasi nakakahiya.


At kung ayaw mo naman kumain ng stiff, meron din mga places na me plan yung pagkain. Example here, 2,800 complete na. Appetizers, Main course and yung Banana Split. Pwede na yun, considering yung quality ng food.



Maraming way para mag tipid, pero merong practical na pagtitipid at yung maling pagtitipid.
Opinion ko lang. Yung matitipid mo na pera, it could have that value today, pero bukas, baka barya na lang yan. Pero yung experiences mo, with your friends, kahit pag tanda mo, maalala mo yun at pati sila din , maaalala nila yun. From the way na kakain kayo sa labas na onti lang yung dalang pera tapos maghahati sa bill, lahat yun... for me, gusto ko balikan someday at mapagusapan ulit with them.
Ikaw? Paano ka ba nagtitipid?

0 comments:

FB Connect