Example:
Nung dumating ako dito, sobrang excited ako. I want to meet many friends, so as much as possible, I keep on my mind all the things that would most likely open up a conversation, a lively one. So, when I do, parang ang naging dating sa kanila, immature. Yung laging nakangiti (smiling face ba lagi), ang dating sa kanila nun hindi ka seryoso sa mga ginagawa mo. Pati yung mga usual natin na ginagawa sa pinas, hindi katulad yun dito...from here, pumapasok yung term na "Tatemae".
Meron silang saying, na minsan natanong ko sa pinoy na sempai. "Honne to Tatemae ga chigau".. Ibig sabihin, mag-kaiba yung tunay na personality sa personality na ipinapakita. So, may mga time na meron tayong ka officemate na Haponesa, tapos parang ang sweet-sweet satin, it doesn't necessarily mean na gusto nila tayo. I'm also not saying na malabo mangyari yun, pero usually Tatemae yun. Sa mga Japanese kasi, napakaimportante ng Work life, kasi most of their life dito na napupunta, well depende pa rin sa Japanese to, kasi meron ako kilala na Japanese, super bait nya mas pinili nya na mag volunteer work, than to earn money here.
Anyway. back to the topic. Ayun, gusto kasi nila makapag work sila ng maayos, so para mangyari yun, dapat as much as possible wala ka kaaway sa work. Yun ang Tatemae, minsan hindi sila talaga umiinom ng alak, pero para magandang pakikisama, iinom sila. Parang ganito rin sa atin, although at some point, parang ka-plastican ito, di ba? Pero I think, for a good cause.
Tapos isa pa, example kunwari meron ka bagong hairdo, tapos pag nakita ka nila, sasabihin nila "Wow, ayos ng buhok mo.. kakkoii". Pero sa loob loob nila, "Hala, saang carnival ka nanggaling? Nag cosplay ka ba?"... dito naman Pumapasok yung isang term, na ang tawag e "Omoteura ga aru"....
One notable na nangyari sakin na ganito, isang beses merong Japanese na me hawak ng main computer. So yung computer na to, dito ako gumagawa ng mga applications ko, usually web application. Ginawa nun, nagbigay sya sakin ng access, naka CC sa ibang japanese. tapos, nung aaccess ko na yung computer, ayaw... Yun pala, mali yung binigay sakin. nung lumapit ako, aba, eh iba iba yung case nung username and password, mali pa yung spelling. Para sakin, eto ang tunay na ka plastican. Pero parang doble kara ito, so kahit biro wag nyo sana sabihin sa Japanese. kung sa atin, parang pag sinabi mo, "sus, plastik mo..." , matatawa pa tayo. Sila, hindi....
And another thing, napaka sensitive nila sa pagkakamali. Make a mistake and you're lucky if pagbigyan ka nila ng pagkakataon.
At sana, wag nyo isipin na lahat ng Japanese ganito. Meron din mababait na Japanese, parang sa atin din, or kahit saang lugar. Every place is a forest, ika nga..
0 comments:
Post a Comment