Web Dev Matters and Me

Web Development Matters - HTML, XML, C#, .NET, AJAX/Javascript(jQuery), CSS, XML-XSLT

ME - LIFE,Philippines, Tokyo, ECE, PhilNITS/JITSE,情報処理, 日本語

things about Philippines, gaming, C# development and web development, how to make money in stock trading

Web Dev Matters and Me

Pagkain : Hindi ibig sabihin na magtitipid ka , kakain ka na lang ng kahit ano.

Hay, sabi nung isang nakakita ng previous post ko, "Pagkain ba yan o mukhang pagkain lang?". Ngek? Ano yun? Syempre pagkain naman yun. Mukha lang kakaiba, pero OK naman. Baka akala nyo kasi sa sobrang mahal dito, kumakain na lang kami para makaraos lang. Siguro 50% totoo yun. Ako, I admit, minsan pag merong oras, inaantay ko na mag ka discount yung pagkain, minsan up to 50%. Imagine, nakakabili ako ng mga 6 to 7 pieces ng tinapay for 99 yen each whereas yung normal price nun eh 210 yen.


Minsan, meron din katulad nito. Bale Okonomiyaki saka yung kalahati Takoyaki. Yung Okonomiyaki, para siyang pancake na yung halo eh either Octopus, some onion, etc. Tawag nga nila dun, Japanese Pizza, pero mas feel ko siya tawagin na Japanese Omelet. Yung Takoyaki naman, bilog na merong Octopus sa loob. Ilang beses na ako napapaso dito pag kumakain, so a piece of advice, wag kainin agad pag medyo tumagal sa Microwave ng mga 3-4 minutes tapos 550w. Or else, para kang nakakita ng batang kumain ng bagong saing na kanin at iniluwa agad.
By the way, nabili ko pala yun ng 190 yen lang (original price nya eh 380)


Eto naman yung Ramen. Naku maraming klase ng ramen dito, pero yung pinaka OK sakin yun Shouyuu Ramen. Yung iba kasi, hindi ko ma stand yung amoy, parang medyo mapanghi ba. Kakaiba yung amoy eh.




And wow, ano ang mga ito? Teka, kahit mukhang masarap yan, oo Tipid pa rin yan. Syempre, minsan minsan nagkakayayaan kami, napunta din naman kami sa OK na place, lalo na pag napasama kayo sa mga Japanese na babae, wow... kung pwede lang dadalahin nila kayo sa mala- Hanzel and Gretel na lugar. Kung pwede puro Ice Cream at chocolate na lang... Kawawa nga ako... Hindi ko kasi trip masyado yung mga matatamis eh, minsan nga nabigyan ako ng chocolate ng valentines, sabi ko.. Hindi ako kumakain ng masyado matamis, aba umiyak... ayun, next time bigay sa akin, cookies na lng daw.. sinita din ako ng mga friends ko, sabi nila "kakkowarui" as in, "lame" daw. so Minsan, as for "Tatemae"matters, sige pag binibigyan nila ako ng Chocolate, kinukuha ko na lang. Medyo parang ka plastican satin to, but that is not the case. Later I will post something here, about yung sinasabi nila na ka-plastican.

Yung nasa taas, brownies yan. Sa Fridays. Medyo hindi ako mahilig sa matamis, pero ang masarap dyan, me ice cream sa taas, tapos yung brownies fresh from oven pa, kaya yung ice cream unti- unting natutunaw... To be fair, masarap talaga cya. Tuwang tuwa nga yung mga Japanese na babae, kasi kinain nila yung part ko.. hahaha


Eto naman Chicken Steak... Masarap din to.. Mukhang mahal di ba? Actually, nung kumain kami dito, inabot kami ng mahigit 5000 yen, kasama na ung unlimited drinks.. Pero, tipid pa rin to.. dapat mag suggest ka ng "Hatian", sabihin mo lang... "Warikan ni shiyou".

Yung una nga, niloloko pa ako.. "gochisousama deshita daw..." sinasabi kasi to sa nanglibre ng nilibre.... so yung sinabi sakin to, sabi ko.... "sore ni suru to, kimi tachi wa firipinjin no dansei ni shoukai shinai yo!" - (Pag ganyan ginawa nyo, hindi ko kayo ipapakilala sa mga friends ko na pinoy). ayun, sabay labasan ng mga wallet. hahaha.

I'll definitely miss them.

0 comments:

FB Connect