If medyo malakas ka kumain, marami ditong resto na merong "viking lunch". Siguro kaya Viking tawag nila kasi malalakas kumain yung Viking. "Tabehoudai" kung tawagin sa Japanese. Eat-all-you-can. The catch? You have to eat on certain amount of time, usually 1 hour. Pero meron ding mga place na walang limit, as in hiya mo na lang, hahaha. Minsan, meron pa kami nakita na pinoy, aba me dalang plastic bag at dun nilalagay yung mga food. Sana po wag natin gayahin ito, kasi nakakahiya.
At kung ayaw mo naman kumain ng stiff, meron din mga places na me plan yung pagkain. Example here, 2,800 complete na. Appetizers, Main course and yung Banana Split. Pwede na yun, considering yung quality ng food.
Maraming way para mag tipid, pero merong practical na pagtitipid at yung maling pagtitipid.
Opinion ko lang. Yung matitipid mo na pera, it could have that value today, pero bukas, baka barya na lang yan. Pero yung experiences mo, with your friends, kahit pag tanda mo, maalala mo yun at pati sila din , maaalala nila yun. From the way na kakain kayo sa labas na onti lang yung dalang pera tapos maghahati sa bill, lahat yun... for me, gusto ko balikan someday at mapagusapan ulit with them.
Ikaw? Paano ka ba nagtitipid?
0 comments:
Post a Comment